Friday, December 25, 2009

Ano Nga Ba Ang Pasko?


Taon-taun, lagi na lang ganito, may Noche Buena, masaya, makulay. I just can’t help it  but wonder kung ano ang buhay ng ibang tao na hindi masaya, kumakalam ang mga sikmura dahil walang pang-Noche Buena at giniginaw kasi nakatira lang sa daan. Nararamdaman ba talaga nila ang tunay na diwa ng pasko? Ano ba talaga ang tunay na diwa ng pasko? Marami ang magsasabi na ang tunay na diwa ng Pasko ay pagmamahalan, pero hindi ba ang pagmamahalan nangyayari naman buong taon? Did God have this in mind when He gave us His only Son? Nasa mga plano ba niya na gawin nating isang festivity ang Pasko? Dapat ba talaga na may mga parol? Ok lang ba talaga na gawin negosyo ang pangangaroling? Gusto ba talaga ng Diyos na makumpleto natin ang Simbang Gabi? Dapat bang maraming pagkain sa hapag kainan tuwing nuche buena? Paano naman ang mga iba na walang Pasko, kawalan ba sa kanila yun? Kung dapat masaya pag pasko, bakit meron parin malungkot? Totoo bang may three kings?

Siguro nga parang walang saysay na itanong ko ng itanong lahat ng mga bagay na yan, malamang marami ang magsasabi na mababaw ako, na baka nagtatanong lang ako para may maisulat, pero kayo ba hindi kayo nagtataka kung saan nanggaling ang mga paniniwala natin sa Diwa ng Pasko? Kung ako ang tatanungin, siguro ang Diwa ng Pasko ay relative. Kumbaga, nasa contemporary point of view… Semiotics!  Para sa mga mahihirap, ang Diwa ng Pasko ay panandaliang matakasan ang masakit at mahirap nilang kapalaran. Ang Pasko ay isang magandang dahilan para magkaroon ng pag-asa na balang-araw ay mararamdaman naman nila ang kasiyahan ng makaahon sa kahirapan, Ang Pasko ay simbolo ng kinabukasan. Para sa mga mayayaman, ang Pasko ay panahon upang makipagpataasan ng ihi sa mga kapwa mayayaman at ipagyabang na kaya nilang mag-aksaya ng pera para lang masabi na ang bahay nila ang may pinakamaraming Christmas Lights. Ang Pasko ay panahon upang ipakita na masaya sila sa pamamagitan ng pagpapa-cater para sa Noche Buena. Ang pasko ay isang malaking entertainment.

Ayoko isipin na ang Pasko ay ipinagdiriwang dahil lamang sa ito ay nakasanayan na. Ang katwiran kasi doon, hindi pwede na routinary ang Pasko, kasi taun-taon maraming mga pangyayari ang nakakapagpabago sa takbo nito. Nong nakaraang buwan nakita natin ang karumal-dumal na nangyari sa Maguindanao. Ano na ang pasko para sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay? Ito ba ay isang paraan upang maibsan ang sakit at pagtangis na nararamdaman nila? O ito ba ay tila isang martilyo na magbabaon sa pako na nagbabadyang tumusok sa kanilang mga puso?
Para sa isang simpleng guro na kagaya ko,  ang pasko ay isang pagtakas sa katotohanan na ang buhay ay hindi lamang puro sarap kundi puno ng hirap. Ang pasko ay isang artipisyal na solusyon sa isang puso na nananaghoy.Kaming mga employado ng gobyerno sumasaya tuwing darating ang pasko kasi nga may year end bonus at additional bonus. Oo, masaya na kami sa konting halaga na binibigay sa amin na gobyerno. Ngunit bakit, parang pinagdadamot pa nila itong ibigay sa amin. Pasko na pero wala pa ring bonus na pumasok sa mga atm namin. Inaasahan na ito ng mga kawani at ngayong ang iba kong mga kasamahan ay sinanla o cash advance na nila ito (bonus) sa mga pautangan ahensya kasi gusto nilang may pagsaluhan ang buong pamilya sa Noche Buena. Octobre pa lang ay prenoklama na ng ating Pangulong GMA, na bibigyan ng additional bonus ang lahat ng mga kawani ng gobyerno. Ngunit tila parang hindi sincere ang pamahalaang Arroyo na ibigay ang mga bonus na ito sa kawani ng gobyerno? Samantalang ang mga matataas na opisyales ng gobyerno ay nagpapakasasang gastusin ang pera ng bayan sa mga walang kwentang mga bagay, biyahe at proyekto para lang may makurakot. Puro lang pangako, lagi namang pako!

Ano ba tong mga sinusulat ko at baka san na to mapunta...hehe!  Linalabas ko lang ang aking panaghoy sa pamamagitan ng pagsulat sa blog.

Ang tanong ko lang ...nasan ang bonus na ito?
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!!! Pagpalain nawa tayo ng Maykapal.

No comments:

Post a Comment